DAVAO CITY – Nasa 545 na pamilya at 1,926 na indibiduwal ang apektado ng malawakang pagbaha sa labing dalawang mga barangay dito sa lungsod ng Dabaw.

Batay sa initial report na inilabas ng davao City disaster Risk Reduction and Management Office (DCRRMO), apektado ng pagbaha ang mga lugar ng Barangay Los Amigos, Tugbok, Cataluban Pequeño, Talomo, Sto Nino, Matina Crossing, at Mintal Lungsod ng Dabaw.

Kaagad namang nagpalabas ng kautusan si Vice Mayor Baste Duterte na suspendihin ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na apektado ng pagbaha.

Isina-ilalim na rin sa State of calamity ang Barangay Los Amigos, dahil sa malaking damyos na naitala nito at sa dami ng mga pamilyang apektado.