-- Advertisements --

CEBU – Mahigpit na minomonitor ng otoridad ang nakakulong na ama matapos nitong napatay ang kanyang anak at pinutolan ng mga kamay ang kanyang stepdaughter sa Brgy. Estaca, Pilar lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Pilar, Bohol Police Station Chief PEMS Rogelio Baluran sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, nahaharap na sa kasong frustrated murder to parride ang ama na kinilalang si Rufino Ibañez dahil sa pangyayari.

Sa datos ng Pilar, Bohol Police, nangyari ang krimen noong Nobyembre a-saes nitong kasalukuyang taon kung saan nasa impluwensiya umano ng alak ang akusado nang ginawa nito ang krimen. Napag-alaman na ginamit nito ang itak at walang habas na tinaga ang mga bata na mahimbing na natulog noon.

Nagtamo ng tama sa tiyan ang tatlong taong gulang na anak ng akusado samantalang pinutolan ng mga kamay ang 13 taong gulang na stepdaughter nito.

Tinangka pang pigilan ng ina ng mga bata ang akusado ngunit wala itong nagawa dahilan upang humingi na ito ng saklolo.

Agad namang rumesponde ang otoridad at dinala kaagad sa pagamutan ang mga biktima kabilang na ang akusado na nagsaksak sa sarili matapos ginawa ang krimen.

Ayon kay PEMS Baluran ini-hospital arrest ang akusado na hanggang pagsisisi na lang ang reaksiyon sa pangyayari.

Napag-alaman na dating drug surrenderee ang akusado na dating nakatira sa Trinidad, Bohol.

Sa ngayon hinihintay na lang umano ng kamag-anak ng mga biktima ang magiging desisyon ng korte sa kaso ng akusado.