CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 60 panibagong kaso ng COVID-19 habang labing siyam naman ang nakarekober.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 36 sa bagong kaso ang mula sa Santiago City, 8 sa San Mariano, 3 sa Quirino, tig-dadalawa sa Cauayan City, Divilacan at Angadanan habang tig-iisa sa mga bayan ng Alicia, Cabagan, Cabatuan, Palanan, Ramon, San Pablo at Tumauini.
Sa ngayon ay 407 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng limang Returning Overseas Filipinos, 12 non-authorized persons outside residence, 49 na health worker, apat na pulis habang 337 ang local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.