ILOILO CITY – Tumaas ang water level sa Jalaur Dam sa Moroboro Dingle, Iloilo bunsod ng mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.
Dahil dito, binuksan ang 10 sa 12 spillgates ng Jalaur dam.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Danielle Pijuan, public relations officer ng National Irrigation Administration Region 6, sinabi nito na patuloy ang kanilang monitoring sa Jalaur Dam mula noong Lunes.
Fully open naman ang tatlo sa apat na mga sluice gates ng dam.
As of press time, ang current water elevation sa Jalaur Dam ay umaabot sa 23.00 meters above sea level.
Nanawagan naman si Pijuan sa mga bayan sa paligid ng Jalaur River na manatiling mapagmatyag.
Para sa mga protocol, nararapat na makipag-ugnayan anya sa Local Government Unit at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.