Tumanggi munang isapubliko ni PBA Commissioner Willie Marcial kung sinong local government unit (LGU) ang nag-alok na sila na lamang ang maging host sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Cup sa ilalim ng bubble setup.
Ayon kay Marcial, kakausapin muna niya ang PBA board kung papayag sila.
Kung maalala noong nakalipas na taon ay matagumpay na naisagawa ang PBA bubble sa Clak, Pampanga kung saan gumastos ang liga ng halagang P70 million.
Balak ng PBA na buksan ang torneyo sa sunod na buwan o kaya sa unang bahagi ng Hunyo.
Gayunman, nagkaroon ng problema dahil doon din gagawin sa Clark, Pampanga ang hosting ng Pilipinas sa final qualifier sa FIBA Asia Cup.
Una nang lumutang ang ilang LGUs na pinag-iisipan din ng PBA na isagawa ang hosting ng Philippine Cup sa El Nido sa Palawan, Batangas, Subic, at Laguna.