NAGA CITY – Binawian na rin ng buhay ang isa sa apat na katao na nasa ospital na uminom ng tuba sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Una nang napabalita ang ilang kaso ng mga namatay sa lugar matapos malason ng nasabing inumin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ruben Perico, hepe ng Ragay PNP, sinabi nito na nananatili pa sa ospital ang tatlo sa mga biktima at nasa kritikal na kondisyon.

Samantala nilinaw naman ni Perico na buhay pa ang isa sa apat na una ng napabalitang namatay dahil sa pangyayari.

Sa ngayon wala umanong nakikitang iba pang dahilan ang mga otoridad dito sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng nasabing mga biktima.