-- Advertisements --

Bumuo ang International Olympic Committee (ICC) ng apat na working groups sa pamumuno ng bagong pangulo na si Kirsty Coventry.

Kabilang na dito ang pagprotekta sa sports para sa mga kababaihan at ibang mga commercial opportunities na babago sa mga laro.

Una ng sinabi ni Coventry noong Hunyo na mangunguna ang IOC sa pagtalakay ng mga gender eligibility criteria sa sports.

Dagdag pa nito na ang Protection of the Female Category Working Group ay binubuo ng mga eksperto ganun din ang mga kinatawan ng mga international federations.

Magugunitang ipinagbawal ni US President Donald Trump ang mga transgender na atleta na lumahok sa mga sports sa mga paaralan sa Estados Unidos na ikinagalit ng mga civil society groups.