-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na hindi nila papayagan at kukunsintihin ang anumang korapsyon sa House of Representatives.

Tugon ito ni Romualdez sa panawagan ng mga business leaders at civil society para tuldukan na ang korapsyon sa gobyerno.

Giit ni Speaker kaniyang nirerespeto ang panawagan ng business community at ng civil society na tapusin na ang korapsyon sa pamahalaan at ang kanilang mga pangamba ay valid. 

Mariing kinundenan ng business community ang talamak na korapsyon sa gobyerno partikular sa Department of Public Works and Highways.

Pagtiyak ni Speaker na hindi niya kukunsintihin ang anumang maling gawain sa anumang ahensiya ng pamahalaan.

Inihayag ni Speaker Romualdez lahat ng mga alegasyon patungkol sa mga anomalya ay kanilang iimbestigahan.

Ipinagmalaki ni Speaker na ngayong 20th Congress may mga ipinatupad ng reporma ang Kamara sa budget process para panatilihin ang tiwala ng publiko.

Upang mapanatili ang transparency sa budget hearings at bicameral deliberations na bukas na ngayon sa publiko.

Siniguro din ni Speaker isasailalim nila sa mahigpit na pagsusuri ang lump-sum at unprogrammed appropriations.