-- Advertisements --

Nag-walkout ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila ngayong Biyernes, Oktubre 17, bilang protesta laban sa korapsyon sa gobyerno.

Nagsimula ang kilos-protesta sa University of the Philippines Diliman kung saan nagtipon ang mga estudyante at guro sa Quezon Hall bago magmartsa patungong Mendiola.

Nakilahok din ang mga estudyante mula sa University of Santo Tomas, Far Eastern University, University of the East, at iba pang paaralan sa “U-Belt area.”

Ang protesta ay kasunod ng mga isyu sa diumano’y anomalya sa mga flood control projects sa bansa.

Matatandaang noong Setyembre 21, isinagawa ang pinakamalaking anti-corruption protest kaugnay ng naturang isyu.