-- Advertisements --

Nakadepende sa Department of Justice (DOJ) kung gawing state witness si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro depende kasi sa magiging salaysay ng dating Speaker at ang Department of Justice ang magrerekumenda sa korte kung siya ay pasok sa pagiging state witness.

Sa ngayon hindi pa masasabi ng Palasyo kung siya ay pwedeng maging state witness o hindi.

Ngayong araw humarap si Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure, at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay ng flood control fund mess.

Bagama’t hindi siya bahagi ng bicameral conference committee, lumutang ang posibilidad na siya ay maging state witness.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang kanyang pagdalo sa ICI ay bahagi ng kanyang paninindigan sa transparency at accountability, at layunin niyang makatulong sa mabilis at patas na imbestigasyon.