-- Advertisements --

Mismong si Palestinian President Mahmoud Abbas na ang nanawagan na matuldukan na ang nagpapatuloy na sigalot ngayon sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Ito ay sa gitna ng mas umiigting pang sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig, bagay na talagang nakakaalarma na ayon sa pangulo ng Palestine.

Mas tumitindi pa kasi aniya ang mga umano’y ginagawang pag-atake ng Israeli Defense Forces na nagdudulot ng paglala ng karahasan sa mga lugar na nasasakupan ng Palestine.

Dahil dito ay sinabi na rin ni Abbas na napapanahon na para magsagawa ng international peace conference para sa pangmatagalang solusyon sa suliraning kinakaharap ng dalawang panig.

Samantala, bukod dito ay binigyang-diin din ng Palestinian president na batay sa binding ng international agreement ay layunin niyang muling buhayin ang huminang Palestinian authorioty sa pamamagitan ng pagpapatupad ng long-awaited reforms at magsagawa ng presidential and parliamentary elections na una nang sinuspinde matapos manalo ang Hamas noong 2006 at kalaunan ay itinulak ang PA palabas ng Gaza.