-- Advertisements --

Pumalo na sa hindi 63 ang naitatatalang bilang ng nasawi sa mapaminsalang lindol na naganap sa Cebu City na labis na nagpadapa sa Bogo City.

Ang datos na ito ay batay na rin sa inilabas na data ng Department of Health.

Ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa ang pahayag sa pagharap nito sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance’s sa kanilang panukalang budget sa susunod na taon.

Aniya, nasabihan siya na hindi na bababa sa 63 ang kasalukuyang bilang ng nasawi.

Tiniyak rin nito na sasagutin ng Philhealth ang hospital expenses ng mga sugatan dahil sa lindol.