-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananatili ang pagsasagawa ng inspection procedures sa mga quarantine checkpoints partikular sa mga drivers at helpers ng mga cargo trucks maging sa mga authorized persons outside residence (APORs).


Ayon kay PNP Chief Gen. Camilo Cascolan, ang nasabing hakbang ay ay batay sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ni Cascolan na mandato nilang pagsilbihan ang sambayan kaya tama lamang na kanilang ipagpatuloy ang kanilang mga checkpoint operations.

“We will continue to sustain our checkpoint operations and inspections including all types of cargoes which supply essential goods for all, and those persons who are authorized outside for essential activities,” wika ni Cascolan.

Binigyang-diin ng PNP chief na kaisa ng police force ang DILG sa pagpapatupad ng mga hakbang na itinakda ng IATF lalo na sa pagbibigay proteksiyon sa publiko para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus sa mga komunidad.

Batay sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines (with amendments as of July ‪16 2020‬), na ang mga manggawa sa the logistics sector, gaya ng cargo, trucking courier delivery at port operations ay pinapayagan ng bumiyahe sa kabila ng anumang klasipikasyon ng community quarantine ng isang lugar, subalit nasa maximum limang indibidwal lamang ang maaring mag operate ang isang cargo at delivery vehicles.

Base sa IATF guidelines, pinapayagan na rin ang mga essential or front-line workers makadaan sa mga community quarantine checkpoints pero dapat ipakita nito ang kanilang passes o ibang mahahalagang dokumento.