IMG 50176e6df337df867bfe43b4bce6a146 V
-- Advertisements --
IMG 50176e6df337df867bfe43b4bce6a146 V

Pinangunahan mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Abas ang inspection sa mga gagamiting vote counting machine (VCM) sa 2022 elections.

Ayon kay Abas, nasa 36,239 machines ang isinailalim na sa refurbishment bilang paghahanda sa susunod na halalan.

Ang Smartmatic naman ang in charge sa refurbishment ng nasa 97,000 VCM na pag-aari ng Comelec.

Kabilang sa refurbishment ang battery replacement, paglilinis sa mga bahagi ng VCM, replacement ng malfunctioning accessories at extendable parts.

Magsasagawa rin ang Smartmatic ng diagnostic tests sa lahat ng gagamiting VCM.

-- Advertisement --