Sasagutin ng Philippine National Police (PNP) ang isinampang injunction case ng Yanson Group of Bus Companies laban kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, CIDG chief MGen Amador Corpuz, PNO CSG chief MGen. Reynaldo Biay, PRO6 regional director BGen. Rene Pamuspusan at SOSIA chief PCol. Michael John Dubria.
Ang nasabing kaso ay nag-ugat matapos itake-over umano ng PNP ang bus terminal facilities kahit walang court order.
Batay sa complaint na hinold umano sa loob ng opisina ang mga empleyado na labag sa kanilang kalooban.
Kaninang umaga isinampa ang kaso laban sa PNP sa Quezon City Hall of Justice sa pangunguna ng legal counsel ng Yanson Group of Bus Companies na si Atty Sigfrid Fortun.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac sasagutin at harapin ng PNP ang nasabing kaso sa tamang panahon at venue.
Nilinaw naman ni Banac na ang PNP ay may regulatory functions na ipinapatupad ng SOSIA- Civil Security Group (CSG) kayat magpapatuloy ito sa kanilang mandato lalo na ang pagpapanatili ng peace and order.
Binigyang diin ni Banac na kailanman hindi gagawin ng pulisya ang mag take over ng isang private bus terminal facility ng walang kaukulang utos mula sa korte lalong lalo na i hold ang management maging ang mga empleyado nito ng labag sa kanilang kalooban.
Inihayag pa ni Banac na ang alitan kaugnay sa company ownership,ang korte lamang ang makakapag resolba nito.
” We will answer the case of injunction against PNP officials at the proper time and venue. The PNP which has regularity functions exercised by the SOSIA-CSG will continue to perform its mandate to maintain peace and order and will neither take over a private bus terminal facility without proper court order nor hold management and employees against their will. The PNP will never do such things.
The dispute on company ownership is best resolved by the courts,” pahayag na inilabas ni BGen. Banac.