-- Advertisements --
PSA

Matapos ang dalawang magkakasunod na pagsipa ng inflation o rate ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, bumaba ito noong Oktubre.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, bumagal ang inflation noong nakalipas na buwan mula sa 6.1% na naitala noong Setyembre.

Mas mabagal din ang inflation ng Oktubre ngayong 2023 kumpara sa 7.7% na naitala noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Paliwanag ng PSA official, ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong Oktubre kumpara noong Setyembre ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.

Nakitaan ng pagbagal ng inflation rate na 7% ang Food and Non-Alcoholic index noong Oktubre mula sa 9.7% noong Setyembre.

Nag-ambag din ito ng 89.7% sa kabuuang pagbaba ng inflation.