-- Advertisements --
Nagtala ng bahagyang pagbaha sa ilang pangunahing kalsada at kanto sa Lungsod ng Malabon bunsod ng pagbuhos ng ulan sa Metro Manila.
Batay sa pinakabagong ulat sa lagay ng kalsada sa lungsod, umabot sa abot-talampakan o gutter deep (tinatayang 8 pulgada) ang tubig-baha sa mga sumusunod na lugar:
- F. Sevilla Blvd. (Bayan)
- M.H. Del Pilar St. (Tatawid)
- Don Basilio Bautista
- Rizal Ave. Extn.
- Hulong Duhat (Women’s Club)
Sa kabila ng naitalang pagbaha sa mga nabanggit na kalsada, mananatili pa ring passable o nadadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga naturang daanan.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad ang mga drayber at commute na mag-ingat sa pagbiyahe at manatiling alerto sa lagay ng panahon at kalsada.
















