-- Advertisements --
Lalo pang bumilis ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo noong buwan ng Agosto.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng 4.9 percent inflation ang pagkain at non-alcoholic beverages, housing, tubig at fuel, pati na ang transportasyon.
Ang bagong inflation record ay maituturing na pinakamabilis para sa taong 2021.
Nabatid na noong Hulyo ay 4.0 percent lamang ito, habang 2.4 percent naman noong Agosto ng taong 2020.
Naniniwala ang mga eksperto na ang pagtaas ng kaso ng COVID at ipinatupad na mga lockdown ang nagpalala ng pagmahal ng mga bilihin.