-- Advertisements --
PSA 1

Mas bumilis ang pagmahal ng mga presyo ng bilihin sa unang apat na buwan hanggang buwan ng Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kasunod na rin ito nang naitalang 6.1 percent na inflation sa nakaraang buwan ng Hunyo.

Sinabi nng PSA na ito raw ang pinakamabilis na inflation sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa mas mabilis ito sa 5.4 percent noong May 2022 at downward revised 3.7 percent naman noong June 2021.

Ang naitalang inflation ngayon ay pinakamataas mula nang maitala ang 6.9 percent inflation noong October 2018.