-- Advertisements --
Sumampa na sa 100 million o may bilang na 100,331,754 ang kabuuang nadapuan ng COVID-19 sa buong mundo, simula noong 2019.
Sa naturang bilang, 25,691,284 (99.6%) ang nasa mild condition at 110,242 (0.4%) naman ang nasa serious o critical condition.
Umakyat naman sa 2,150,951 ang mga binawian ng buhay, dahil sa nasabing virus.
Habang ang mga naka-recover ay umabot sa 72,379,277, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















