-- Advertisements --
Umakyat na sa 5,904,673 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 2,909,059 (98%) ay mayroong mild condition at 53,975 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Nangunguna pa rin sa mga bansang may kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos, pangalawa ang Brazil, pangatlo ang Russia, Spain at United Kingdom.
Ang bilang naman ng mga nasawi ay pumalo na sa 362,010 mula pa noong Disyembre 2019.
Habang ang mga naka-recover ay 2,579,629, matapos ang gamutan at quarantine procedure.