-- Advertisements --

Isinumite na ng International Criminal Court (ICC) prosecution ang listahan ng mga witness at ebidensya sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Dutere.

Ang tatlong pahinang dokumento na confidential ay naglalaman ng listahan ng witnesses at ebidensya ay naisumite ng Office of the Prosecutor sa Trial Chamber III.

Sa ilalim ng Regulation 23bis (1) na Regulations of the Court na ang mga files ay confidentially filed dahil ito ay naglalaman ng sensitibong witness information.

Magugunitang nahaharap ng three counts ng crimes against humanity ang dating Pangulo dahil sa paglaban niya noon sa iligal droga sa panunungkulan niya bilang pangulo ng bansa na ikinasawi ng 6,000 katao base sa record ng goyberno habang sa listahan ng human rights group ay umaabot ng mahigit 30,000 ang bilang.

Magsisimula ang paglilitis sa dating pangulo sa darating ng buwan ng Nobyembre.