-- Advertisements --

Pumalo na sa 2,637,673 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang 1,679,157 (97%) ang nasa mild condition, habang 56,674 (3%) naman ay serious o critical condition.

Nangunguna sa listahan ng mga bansang may mataas na bilang ng kaso ang Estados Unidos na mayroong 848,994 patients.

Habang nakapagtala naman sa buong mundo ng 184,217 fatalities.

Samantalang 717,625 ang naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure.