-- Advertisements --

Umaabot na sa 11,732,672 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Lumalabas na 4,497,655 (99%) sa kanila ay nasa mild condition, habang 57,979 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Sa mga bansa naman, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa dami ng COVID cases (3,040,509) at fatalities (132,978).

Pangalawa ang Brazil, pangatlo ang India, pang-apat ang Russia at panglima ang Peru.

Sa kabuuan, mayroon nang 540,136 nasawi at 6,636,902 naman ang mga gumaling.