-- Advertisements --

Umakyat na sa 2,406,905 ang kabuuang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Nasa 1,570,616 (97%) sa mga ito ay mayroong mild condition, habang 54,218 (3%) naman ang serious o critical condition.

Pinakamarami pa rin sa mga pasyente ay mula sa Estados Unidos na may 763,836.

Habang ang mga namatay ay aabot na sa 165,058.

Samantalang ang mga naka-recover ay 617,013, matapos ang gamutan at quarantine procedure.