-- Advertisements --

Umakyat na sa 16,405,138 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 5,649,603 (99%) ang nasa mild condition at 66,244 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Ang mga nasawi naman ay umaabot na sa 651,674, habang ang mga gumaling ay nasa 10,037,617.

Nangunguna pa rin sa dami ng COVID patients ang Estados Unidos na may 4,371,444 cases.

Pangalawa ang Brazil na may 2,419,901 at pangatlo ang India, na nagkaroon ng 1,436,019 positibo.