-- Advertisements --
Nagbabala ang gobyerno ng Indonesia na posibleng makaranas sila ng panibagong paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Hulyo.
Malapit na rin aniyang mapuno ang mga pagamutan kung saan sa Jakarta pa lamang ay mayroong 75% ng puno ang mga pagamutan.
Ang tinatawag na “delta” variant ang siyang may pinakamaraming kaso sa mga lugar gaya ng Jakarta at ilang bahagi ng Java.
Inamin ni Jakarta Governor Anies Baswedan na tumaas ang hospital occupancy sa mga nagdaang araw.
Mayroong mahigit 19 milyong kaso ng COVID-19 sa bansa at mahigit 53,000 na ang nasawi.















