NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang incumbent barangay captain matapos makunan ng armas at mga bala sa isang raid sa Barangay San Sebastian, Balete, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Kapitan Gerardo Villanueva, punong barangay ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Batangas Police Provincial Office, nabatid na nahuli si Villanueva sa pinag-isang pwersa ng PNP Balete, Criminal Investigation and Detection Team-Batangas, at Batangas Provincial Field Unit.

Bitbit ang isinilbing search warrant laban sa opisyal, nakumpiska sa pangangalaga nito ang isang baril, mga magazine at mga bala para sa iba’t ibang uri ng armas.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.