-- Advertisements --

ano5

Magiging simple at meaningful ang inauguration ni Pres-elect Bong Bong Marcos sa June 30,2022 na tatagal lamang ng mahigit dalawang oras.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na siyang head ng Subcommittee on Security, Traffic and Communications.

Sinabi ng Kalihim na highlight sa nasabing national at historical event ang military and civic parade.

Mga miyembro ng PNP, AFP, PCG ang makikiisa sa military parade kasama ang mga kadete ng PMA at PNPA.

Ibibida din ng AFP ang kanilang mga bagong kagamitan gaya ng mga artillery equipments na binili ng AFP na bahagi ng kanilang modernization program.

Magsasagawa din ng Fly-by ang mga bagong aircraft ng PAF gaya ng FA-50 fighter jets.

Layon nito na makita ng publiko ang mga bagong kagamitan.

Sinabi ni Año na magsisimula ang programa ng alas-10 ng umaga at exacto alas-12 ng tanghali ang magiging inaugural speech ni Pres-elect Bong Bong Marcos.

Pagtiyak ni Sec Año na all-systems go na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa inagurasyon.

Sa press conference ng Subcommittee on security, traffic, and communications sa Camp Crame, tiniyak ni DILG Sec. Eduardo Ano na nakalatag na ang seguridad para sa inagurasyon ni Marcos.

Kasama na rito ang pagpapagana ng Task Force Manila Shield kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na checkpoint at pagpapatupad ng gun ban.

Binigyang-diin ni Sec Año na matapos makatanggap ng impormasyon, hindi nila hahayaamg may makapang manggulo sa inagurasyon lalo na ang mga CPP-NPA.

Hindi rin umano nila hahayaan na may makapanghiya kay Marcos.

Sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Administation LT gen Rhodel Sermonia na sa kabila ng mga inaasahang pagkilos ay nakahanda sila.

Maliban umano sa NCR, mayroon ding unit mula sa CALABARZON at Central Luzon Police na naka stand by para sa augmentation.

Samantala sinabi naman ni NCRPO Director MGen Felipe Natividad, na magpapakalat sila ng mobile jail sakaling may maaresto na magdudulot ng gulo.

Maliban sa pagpapakalat ng mga pulis, na nakalatag na rin ang traffic plan para sa inagurasyon.

Hinihikayat naman ang mga dadalo sa inagurasyon na dapat sila ay fully vaccinated pero hindi na nila kailangan pang magpakita ng vaccination card.