Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Pumanaw na sa edad 77 anyos ang tinaguriang ina ng bayan ng Maguindanao at matalik na kaibigan ni dating Pangulo at dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Binawian ng buhay si dating Datu Montawal Maguindanao Mayor at Incumbent Municipal Councilor Bai Annie Montawal sa isang pagamutan sa Davao dahil sa komplikado nitong sakit.

Si Bai Annie Montawal ay maybahay ni dating Pagalungan Maguindanao Mayor Djanggo Montawal.

Tinaguriang ina ng bayan si Bai Annie dahil sa dami nitong natulungan na mga kababayan lalo na yong mga mahihirap na pamilya sa bayan ng Datu Montawal.

Naging kanang kamay rin si Bai Annie ng kanyang mister na si Mayor Djanggo para maresulba ang matagal nang alitan ng ilang pamilya sa Maguindanao.

Marami ang nagluksa at nalungkot sa maagang pagpanaw ni Bai Annie.

Inulila nito ang kanyang mga anak sa pangunguna ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal,mga apo at lahat ng kanyang pamilya at kamag-anak.

Bumisita rin sa 3 days kanduli ni Councilor Bai Annie Montawal sina Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng”Mangudadatu at Maguindanao Gov Bai Mariam Mangudadatu.

Maituturing ng magandang pamana (legacy) sa probinsya ng Maguindanao ang mga magandang nagawa ni Bai Annie sa taong bayan sa probinsya.