-- Advertisements --
ILOILO CITY- Patay ang isang babae at ang pinagbubuntis nitong anim na buwang sanggol matapos na pinagtulungang bugbugin sa Zone 5, Boulevard, Molo, Iloilo City.
Ang biktima ay si Lory Mae Baylon, residente ng nasabing lugar.
Ang mga suspek ay ang mag-asawang Chona Agana, isang guro at asawa nitong si Joseph Agana, retiradong pulis.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dory Walawad, tiyahin ng biktima, sinabi nito na maliban sa mag-asawa, tumulong rin ang dalawang mga anak nito at manugang sa pagbugbog sa buntis na biktima.
Ayon kay Walawad , hindi tumigil ang mga suspek hanggang sa dinugo ang biktima.
Dinala ito sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian ang mga ito ng buhay.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ni Baylon.