Pinagbabaril ng ama ang asawa ito at dalawang menor-de-edad bago ito nagbaril sa sarili sa lungsod ng Parañaque.
Base sa salaysay ng kasambahay ng pamilya, nagpabili ito sa kaniya ng olive oil kahapon ng tanghali.
Laking gulat na lamang niya ng pagbalik nito ng dalawang oras ay nakita niyang wala ng buhay ang mga amo nito sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro.
Nakitang patay ina sa loob ng sasakyan na nakaparada sa kanilang garahe habang ang 9-anyos na lalaking anak nila ay nakita sa masters bedroom.
Wala ring buhay ng makita ang 14-anyos na anak na babae.
Nakita sa crime scene ang kalibre .45 na baril katabi ng ama.
Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na dumaan sa heart bypass ang suspek at ang problema sa pera ang nakikita nilang motibo ng insidente.