Reading Time: 1 minute
spence porter
IBF welterweight champion Errol “The Truth” Spence in an interview with Bombo international correspondent Doc John Melo

Ngayon pa lamang nagyabang na si IBF welterweight champion Errol “The Truth” Spence ng impresibong knockout win laban kay WBC champion “Showtime” Shawn Porter.

Ang dalawang kampeon ay magtutuos sa unification bout bilang main event ng FOX Sports Pay-Per-View na magaganap sa September 28 sa Staples Center sa Los Angeles.

Ipinagmalaki pa ni Spence na “spectacular” ang gagawin niyang pagbugbog sa 2-time welterweight champion na si Porter.

Kung maalala mag-isang taon na nang maagaw ni Porter ang WBC belt ni Danny Garcia at nadepensahan ang korona noong Marso kay Yordenis Ugas.

Si Spence naman ay nagtala ng big victory kontra sa 4-division champion na si Mikey Garcia noong nakaraang buwan din ng March.

Sinasabing ang mananalo sa laban ay posibleng harapin ni Sen. Manny Pacquiao.