Gumugulong na ang ikinasang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa hindi tamang pagbebenta ng NFA rice sa ilang mga piling rice traders ng National Food Authority (NFA).
Inihayag ng liderato ng Department of Agriculture (DA) kanila na rin inaasahan ang paglabas ng findings ukol sa imbestigasyon sa darating na mga araw.
Ayon kay Department of Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, na ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa dalawang opisyal ng NFA na idinadawit sa kontrobersiya na boluntaryong maghain na ng kanilang leave of absence.
Nuong Biyernes, inatasan ni Secretary Laurel si NFA Administrator Roderico Bioco at Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan na mag leave upang matiyaka ang patas na imbestigasyon.
“Fair kasi si Secretary. Gusto niya iyong dalawa si Administrator Bioco at saka si Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan, mag-leave of absence muna para mas maging fair iyong investigation,” pahayag ni De Mesa.
Ipinunto ni De Mesa na kasalukuyang nagsasagawa na ng review sa mga dokumento ang panel of investigator at nagsasagawa na rin ng interview, kaya asahan na mayruon ng updates sa nangyayaraing investigation.
Nilinaw naman ni De Mesa na hindi nagtakda ng deadline si Secretary Tiu sa ikinasakang imbestigasyon.
“Walang binigay na specific deadline si Secretary, pero doon sa phase na kino-conduct iyong review, we can expect very soon mayroon ng lalabas na resulta iyong mga panel of investigator,” pahayag ni De Mesa.