Iginagalang ng MalacaƱang ang desisyon ng Office of the Ombudsman na imbestigahan ang umano’y irregularidad sa pangangasiwa ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 crisis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hinihikayat nila si Health Sec. Francisco Duque III at buong burukrasya ng DOH na makipag-cooperate sa imbestigasyon at irespeto ang kautusan ng Ombudsman.

Ayon kay Sec. Roque, ang Ombudsman ay isang independent constitutional body kaya hayaang umusad ang proseso nito.

Kabilang sa iniimbestigahan ng Ombudsman ang naantalang procurement ng personal protective equipment at iba pang medical gears ng mga healthcare workers, umano’y pagkukulang at irregularidad na sanhi ng pagkamatay ng ilang medical workers at pagtaas ng bilang ng mga namamatay at infected medical frontliners.