-- Advertisements --

ILOILO CITY – Harap-harapan na “binanatan” ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasabay ng turnover ceremony ng mga COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccines sa Lungsod ng Iloilo.

Kinwestyon ng alkalde si Roque kung bakit China-made Sinovac vaccines ang ipinapadala sa Iloilo, habang Moderna naman sa ibang lugar.

Ani Treñas, parang Diyos kung ituring ng gobyerno ang ibang lugar habang unggoy naman ang turing ng national government sa mga tao sa Iloilo.

Ayon sa alkalde, maraming Ilonggo ang gustong magpabakuna kontra COVID-19 ngunit malaking problema ang hindi sapat na bakuna na nilalaan ng gobyerno para sa Iloilo City.