Umaasa si Iligan City Rep. Frederick Siao na payagan siya ng Sandiganbayan na makabiyahe palabas ng bansa.

Balak kasi ni Siao na magtungo sa Europe sa loob ng 21 araw.

Sa kanyang inihaing urgent motion for leave to travel, sinabi ni Siao na mula Hunyo 18 hanggang Hulyo 9 ay tutungo siya ng Slovenia, Croatia, Bosnia, Herzogovina at Austria.

Makakasama raw niya sa kanyang biyahe ang kanyang pamilya para na rin sa kanilang negosyo.

Nangako naman din itong babalik siya ng PIlipinas matapos ang kanyang biyahe.

Nahaharap si Siao at mga kasamahan niya sa Sangguniang Panlusod sa kasong paglabag sa anti-graft at corrupt and practices act.

May kinalaman ito sa pag-upa ng lupa sa Iligan City.