Isinara na ng City business licensing office ng Makati City ang isang gusali na ginawang iligal Philippine Offline Gaming Operations (POGO) kung saan naaresto ang nasa 50 Chinese sa Brg. Pio Del Pilar.

Napag-alaman kasi na walang anumang permit ang nasabing gusali para mag-operate bilang POGO.

Sinabi ni Makati City Police chief Oscar Jacildo na ilang buwan na nag-ooperate ang nasabing gusali bago pa lamang ang lockdown.

Hindi lamang aniya ito ang unang beses na naipasara ng city government ang iligal POGO operations dahil noong Mayo ay naaresto ang 60 Chinese sa isang iligal POGO operations din sa brgy. Olympia.