-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dahil sa mga tuloy tuloy na pag-ulan ay hindi na madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang ilang tulay sa lalawigan ng Isabela.

Ilan sa mga ito ay ang Sta. Maria-Cabagan overflow bridge, Cabagan-Sto.Tomas overflow bridge maging ang Baculod at Cabisera 8 overflow bridges sa Ilagan City; Mozzozzin Sur overflow bridge, Cansan overflow bridge, Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City; San Antonio overflow bridge sa Ilagan; Gucab at Annafunan overflow bridges Echague; Sto Domingo-Santiago overflow bridge at Sinaoangan Norte overflow bridge sa San Agustin, Isabela

Dagdag pa dito na nalubog na din sa baha ang ilang ang circumferential road sa lungsod ng Ilagan na nagkokonekta sa mga barangay.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction Management Office ay patuloy na nakahanda at nakaabang ang mga ito sakaling magkaroon pa ng mga rescue operation.

Kaya’t paalalang muli ng mga otoridad sa mga residente na makiisa sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga abiso na ipinapatupad kagaya ng paglikas kung kinakailangan upang matiyak na walang mapahamak o masawi dahil sa kalamidad.