Muling nagningning ang 13-anyos na si Keirsten Fernandez matapos niyang masungkit ang kaniyang ikalawang gold medal sa Asian Open Short Track Speed Skating Trophy sa India.
Nanguna si Fernandez sa Junior C Girls’ 777-meter event matapos itala ang oras na 1:19.989, sapat para talunin ang Australia’s Rachel Yi Lin Tan at iba pang mga kalahok.
Noong Miyerkules, nakuha rin ni Fernandez ang gold medal sa 1,000-meter event sa parehong age category, na nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa kasaysayan ng torneo.
Nagdagdag din ng medalya para sa bansa si Xsandrie Guimba, na nagwagi ng silver sa senior women’s 1,000-meter event matapos magtala ng 1:52.003.
Samantala, nakakuha naman ng bronze medal ang walong taong gulang na si Zymone Zurbito sa Junior F Boys’ 333-meter event.
Sa kabuuan, umabot sa apat na medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa torneo.










