-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtala ng ilang mga residente na sugatan mula sa mga bomba na inihulog ng F-50 jet bombers ng Philippine Air Force sa focused military operation sa lokasyon ng Maute-ISIS inspired Dawlah Islamiyah group sa Barangay Runggayan, Maguing, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Jehann Micunob ng Maguing Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na nasa higit 1,000 pamilya na ang apektado mula sa nabanggit na barangay maging sa Ilalag, Kianodan, Bubong Bayabao, Bubong Maguing at Pilimoknan dahil sa military attack sa mga terorista.

Sinabi ni Micunob na ilan sa mga sugatan ay mga bata dahil tumama ang mga bomba sa lokasyon ng mga terorista, Martes ng madaling araw.

Kaugnay rin nito, pansamantalang tumigil muna ang airstrike ng militar nang pumasok ang peace panel ng Moro Islamic Liberation Front at Maguing sultans kasama ang local government officials dahilan na napagdesisyunan ang ceasefire.

Magugunitang nasa dalawang terorista at isang sundalo ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng medikasyon.