-- Advertisements --

CEBU CITY – Arestado ng mga tauhan ng PNP ang anim na indibidwal matapos mahuling nagto-tong-its sa Sitio Camino, Brgy. Gabi, bayan ng Cordova, Cebu.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jovan Veloso Seguisabal; Analyn Abayon Inting; Florilyn Verano Inting; Marcelo Dayuday Garrido; Emmanuel Verano Inting; at Camelo Veloso Seguisabal.

Tatlo sa mga nabanggit ay beneficiaries umano sa Social Amelioration Program at dalawa naman ang beneficiaries sa Unconditional Cash Transfer program ng gobyerno.

Nakuha ng otoridad ang ilan sa mga ebidensiya laban sa mga suspek na pansamantalang nakakulong sa detention facility ng Cordova Municipal Police Station habang inihanda ang kasong kakaharapin ng mga ito.

Kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na nagbibigay ng penalty sa sinumang masasangkot sa illegal gambling at paglabag sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act kaugnay sa nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine sa lugar ang kakaharapin ng mga suspek.