-- Advertisements --

Sinisimulan na ng transition team ni President-Elect Joe Biden na isakatuparan ang mga pangakong binitawan nito sa kaniyang campaign-trail sa oras na pormal na itong umupo bilang presidente ng Estados Unidos.

Nakatakda umano na pangalanan ni Biden ang 12-person coronavirus task force nito ngayong araw. Una na ring sinabi ni Biden na kakausapin nito si Dr. Anthony Fauci, top infectious disease expert ng bansa, upang talakayin ang coronavirus response ng Amerika.

Magpapatupad din ito ng ilang executive actions para palitan ang ilan sa mga foreign policy ni Trump. Layunin din nito ang agarang panunumbalik ng dating status ng Amerika noong administrasyon ni dating US President Brack Obama.

Ayon naman kay Symone Sanders, isa sa mga campaign advisers ni Biden, na makaksiguro ang mamamayan ng Amerika na tutuparin ng iak-46 anim na pangulo ng US ang kaniyang mga binitawang pangako noong kasagsagan ng pangangampanya nito.

Isa na rito ang muling pagsali ng bansa sa Paris agreement, ang landmark international deal para labanan ang climate change na tinalikuran ni Trump noong 2017.

Maaasahan din aniya na muling sasali sa World Health Organization (WHO) ang Amerika na kinalasan din ni Trump noong nakaraang taon.

Dahil sa naging resulta ng katatapos lamang na halalan sa US, si Trump ang magiging kauna-unahang one-term president ng nasabing bansa simila noong 1990.

Sa ngayon ay kabi-kabilang reklamo ang inihain ng kampo ng Republican president laban sa ilang mga estado ngunit giit naman mga election officials na hindi sapat ang ebidensya ng kampo ni Trump para patunayan na may naging dayaan talaga sa naganap na halalan.