-- Advertisements --

Ipinahayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang kanyang pagiging tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, at iginiit na may mga polisiya ng nakaraang administrasyon na dapat umanong ibalik.

Sa isang panayam, sinabi ni Leviste na matagal na siyang Duterte supporter at hindi siya natatakot na aminin ito, kasabay ng pahayag na hindi siya “mabibili o mapapatahimik” dahil lamang sa political convenience. Aniya, may mga positibong epekto pa rin ang ilang patakaran ng nakaraang administrasyon.

Binatikos din niya ang umiiral na sistema sa Kongreso kung saan umano’y may mga politikong lumilipat ng partido depende sa pondo o budget. Giit niya, mahalaga ang paninindigan kaysa sa pagtabi sa kung saan mas may benepisyo.

Dagdag pa ng mambabatas, naniniwala siya na karamihan sa kasalukuyang Kongreso ay dati ring sumusuporta sa Duterte administration, at dapat itong aminin nang direkta. Nauna na rin siyang naging kritikal sa korapsyon sa flood control projects at nagmungkahi ng reporma sa paggastos ng pondo ng gobyerno. (report by Bombo Jai)