Pinatawan ng multang P75,000 at suspendido ng tatlong laro sina Kelly Nabong at Ronald Tubid ng San Miguel Beermen matapos ang ginawa nilang pananakit sa isang lalaking nagdamit spiderman noong Game Five PBA Philippine Cup Finals.

Ito mismo ang inanunsiyo ni PBA commissioner Willi Marcial.

Kabilang sa pinatawan ng multa at sinuspendi ng dalawang laro ay sina SMB assistan team manager Daniel Henares at Ramon Ibanez na nabigyan ng tig-P50,000 na multa.

Magugunitang bigla na lamang pumasok sa playing court si Paolo Felizarta habang nakasuot ng Spiderman.

Nakita sa video ang ginawang panununtok ni Tubid kay Felizarta habang sinuntok naman ni Nabong ang isang lalaki na napagkamalang kasamahan ni “Spiderman”.