-- Advertisements --
Bumaba na ang bilang ng mga stranded na mga pasahero, at drivers sa mga pantalan sa bansa sa gitna ng masungit pa rin na panahon dahil sa pagbayo ng hanging habagat.
Base sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong hapon, mayroon na lamang 21 na pasahero, truck drivers at cargo helpers ang kasalukuyang stranded o nasuspendi pansamantala ang biyahe sa dalawang pantalan.
Habang nasa 1 barko na lamang ang hindi pa din bumibiyahe hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, pansamantalang nakikisilong pa din ang nasa 8 barko at 51 na motorbancas.
Ang mga stranded individuals ay naitala diyan sa NCR- Central Luzon at Southern Visayas.