BAGUIO CITY – Apektado na ng frost o andap ang ilang pananim na gulay sa Benguet dahil sa patuloy na pagbaba ng temperatura.
Ayon kay Atok, Benguet Mayor Raymundo Sarac, sa kabila nito ay alam na ng mga magsasaka ang kanilang gagawin para hindi masira ang pananim kahit lalo pang lumalamig ang temperatura sa lalawigan.
Sapat naman aniya ang suplay ng gulay na nanggagaling sa kanilang bayan na ibebenta sa ibang lugar para sa holiday season.
Maliban sa Atok, ramdam din ang mas malamig na temperatura sa bayan ng Buguias at Kibungan, Benguet.
Sa pagtaya ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ), aasahang lalo pang bababa ang temperatura sa Baguio City at Benguet sa huling bahagi ng kasalukuyang taon at sa unang bahagi ng susunod na taon.