-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang apat na kasapi ng local terrorist group na Dawlah Islamiya sa nangyaring shoutout sa Purok Maguindanao, Barangay Lumakil, Polomolok, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Rommel Gitalya, deputy chief of police ng Polomolok-Philippine National Police sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Gitalya , nagsagawa sila ng operasyon kaninang pasado-alas 6:00 ng umaga upang isilbi ng apat na warrant of arrest sa mga “most wanted” sa nabanggit na lugar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Muadz Modjie, Noel Castrana, Amir Pagalangan at Uto Alangan, pawang residente ng lugar at matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad.

Nang isilbi umano ng operating team ang mga arrest warrant ay nakipagbarilan ang mga suspek na armado ng mataas na kalibre ng baril.

Samantal , arestado ang pinaniniwalaang bomb maker na kinilalang nagngangalang Daryl Sibrial na umaming sumailalim ito sa training sa paggawa ng bomba.