-- Advertisements --
Ilang milyong katao sa India at Bangladesh ang pinalikas bilang paghananda sa pagdating ng super cyclone Amphan.
Inaasahan kasi na mag-lalandfall ang nasabing bagyo sa border ng dalawang bansa sa Miyerkules.
Nasa mahigit 20 relief teams ang ipinakalat na at maraming iba pa ang naka-standby na.
Aminado ang mga otoridad na hirap silang makapag-evacuate dahil sa lockdown na ipinapatupad mula sa pananalasa ng coronavirus.
Mayroong mahigit 185 kilometer per hour ang lakas na dala ng hangin ng nasabing bagyo.