SOCIAL MEDIA
social Media

Nakaranas ng problema ang mga social media platforms na Facebook, Twitter, Instagram at WhatsApp.

Maraming mga users ang nasabing social media apps ang nagreklamo na hindi sila makabasa ng mga direct messages, makita ang mga larawan na nakapost ganun din ang pagpapadala ng mga larawan nitong Miyerkules ng gabi.

Agad namang humingi ng paumanhin ang nasabing mga social media platforms sa mga naranasan ng kanilang users at tiniyak na kanilang ibabalik sa normal ang operasyon kapag naayos na ang nasabing problema.

Magugunitang noong Marso ay nakaranas din ng parehas na problema ang Facebook na umabot sa halos 24 bago ito naayos na ang itinuturong dahilan ay ang pagbabago ng kanilang computer systems.